Lumilipas lamang ang mga araw
simbilis ng pagdikit ng mga pilik
ng mata sa tuwing pipikit.
Ngunit pinapabagal ang panahon–
binibilugan ng makapal na lubid ang liig
at binabatak upang umurong.
Nasasakal na’t hindi pa dumaraing,
nalalagutan na ng hininga’y
hindi pa rin pasisindak.
Umaasang kasusumpungan sa gitna,
kapag nagkataong magtagpo,
ang sagot sa mga hinahanap na tanong.
Sa huli’t huli’y may pagtatapos
na kahahantungan ang oras,
kasabay ng pagpatak ng panibagong saglit.
Galing! ^_^
I love it: it’s short, but it packs up a whallop.
ah, ang oras ay lumilipad. ito rin kung minsan ay gumagapang. depende, depende sa kinalalagyan niyong nagbibilang. hello, PP! ;)